Saturday, September 10, 2011

May Pag-ibig Pa Kaya?

Mother and Child  by Isabelo M Quilles, 1992


May Pag-ibig Pa Kaya?
Ni: Ruth Persigas Udtohan
University of Bohol High School- 1999

(To err is human to forgive is divine. Minsan ang pag-ibig ay naging mailap. Ang pagkakaroon ng galit sa kapwa ay nagbubunga ng isang kamalian. Ngunit sadyang nilikha ng Diyos ang pag-ibig na ito ang magbibigay katuwaan sa lahat ng tao sa mundo. May hihigit pa kaya sa pag-big?)


"Marcel, hija. Puwede ka namang magtrabaho a club. Malay mo makakakita ka ng isang mayamang lalaki at pakasalan ka. Di, mayaman na tayo!"

"Tiya Amelia, pero hindi..bakit ba ganyang klaseng trabaho! Nakakahiya naman!"

Lubos na naging ulila si Marcel. Labing anim pa ito'y pinagtrabaho na siya ng kanyang Tiya Amelia buhat nang namatay ang mga magulang nito. Hindi niya gustong magtrabaho sa club pero pinilit siya ng kanyang Tiya Amelia. Sabi nito'y kailangan niyang sumayaw dahil malaki daw ang kita.

Si Marcel kung tutuusin ay isang babaeng mala-anghel ang mukha. Siya ang batang may ginintuang puso, kumikislap sa kanya ang mga katangiang pinalaki sa isang marangal na pamilya. Ngunit ang malupit na panahon lamang ang pumutol sa mga kaligayahang idinulot ng kanyang mga magulang.

Oo nga, pinilit siya ng kanyang tiyahin na ipsaok ang sarili sa kamunduhang bagay.

Noong una, natakot siya. Pero pinagsabihan siya na walang  anuman iyon at nasanay rin siya. Sa totoo, nasanay si Marcel sa pagsasayaw sa club. Ngunit kailan man ay hindi siya nakipaglaro sa mga lalaki, ayaw niyang madungisan ang kanyang moralidad. Inigatan niya ang puri na nagsasabi na wala siyang ginawang masama sa club-nagsasayaw lamag siya.

At sa bahay , 8:30 ng bumangon si Marcel. Umaga pa'y sermon na siyang narinig. Ganyan talaga ang kanyang tiyahin mahilig magsermon tuwing umaga.

"Ano ba, Ane?" Aalis ka naman? Anong oras ka umuwi kagabi ha?"

"Ikaw talaga!" sabay lusi niya sa tenga.

"Arrrraaaayyyyy!!!!!!!!!"

"Ikaw naman Rudy, iwasan mo nga iyong bisyo. Magtrabaho ka ang laki mong tao!"

'Ano ba inay ang aga-aga mong magsermon!" sumbat ni Rudy.

Nakita ni Amelia si Marcel; na lumabas ng kuwarto.

"Marcel nag-almusal ka na ba?" tanong nito.

"Hindi pa, maliligo muna ako Tiya."

Matagal natapos si Marcel. Tinawag siya ni Amelia.

"Marcel aalis ako pupuntahan ko iyong kaibigan ko, baka mamayang gabi pa ako uuwi dito. Ikaw muna ang bahala sa bahay ha?"

"Opo Tiya, maaasahan mo."

Nang matapos si Marcel ay nagulat lamang siya na nadatnan niya si Rudy.

“Anong ginagawa mo Rudy? Naninilip ka no?” takot niyang sabi.

Madaling nagtungo si Marcel sa kuwarto na nakatapis lamang ng tuwalya. Pakiramdam niyay’ tinitigan ni Rudy ang kanyang katawan. Kaya pala na-tripan siya ni Rudy dahil maputi ang kanyang dibdib at tama ang kurba ng kanyang magandang katawan.

 “Ngayon Maricel maaangkin ko na ang katawan mo. Matagal na kitang gusto.” Si Rudy.

“Sandali lang Ane!” Tumayo si Marcel upang buksan ang pinto. “Rudy, ikaw pala. Ano naman ang kailangan mo? Kung hihingi ka ng pera, wala ako ngatyon!”

Namumula ang mga mata nito at mabaho pa ng alak. Alam niyang nagdrudrugs ito. “Gusto ko ang katawan mo!” Tawa nito.

“Lumabas ka! Lumabas ka na rito Rudy!”
Tinulak si Marcel sa kama. “Rudy ‘wag mong gagawin ‘to sa akin. Maawa ka naman.” Hindi pa rin nakinig ito at hinawakjan ang kanyang kamay at idiniin ang mga iyon sa magkabilang tabi ng kanyang ulo. Anumang pagpilit niyang makahulagpos ay nawalan ng saysay, nasa kapangyarihan na siya sa lakas ni Rudy.

“Rudy, maawa ka,” pilit niyang sabi. Sa medaling salita nakuha ang pagkababae niya. Nawala na ang kanyang iniingatang puri.

Nang matapos na si Rudy sa kanyang ginawa, huminto ito at humiga sa kama. Dali-dali naming kinuha ni Marcel ang flower vase na nakapatong sa mesa. Pinagkayahan niyang makuha iyon at binasag niya sa ulo ni Rudy at nawalan ito ng malay.

“Oh, ikaw pala?” gulat si Lorna

“Marcel, ikaw bay an?”

“Sino pa ba? Kung magsalita ka para kang nakakita ng multo.” Natawa si Lorna.

Halika ka rito sa loob!” Inakay siya ni Lorna sa loob ng bahay. “Halos magkasabay silang nakaupo sa sofa. “Anong probelma? Ba’t may bitbit kang pang maleta?” tanong niya sa kaibigan.

“Umalis na ako sa bahay nila Tiya Amelia.”

“Nag-aaway ba kayo?”

“Hindi, kusa akong umalis, walang hiya si Rudy…”

At ikinuwento niya ang lahat. Biglang napatingin si Marcel kay Lorna. “Salamat sa pagtanggap mo sa akin dito, Lorna ha?”

Umalis si Marcel kinaumagahan, nagpadala siya nang sulat sa kanyang Tiya Amelia. Sinsabi niyang lahat ang kahayupang ginawa ng anak nito. Nag-alala naman siya ng hindi siya pinuntahan ng kanyang buwanang dalawa. Pumunta siya kay Dr. Sheila.

“Dok, anong resulta?” tanong niya.

“Congratulations! You are now a mother. Two months na ang batang nasa tiyan mo.” Sabin g doctor.

Umuwi si Marcel na parang wala sa isip buhat nang malaman niya ang resulta.

‘Marcel,anong resulta? Tanong ni Lorna.

“Buntis ako Lorna!” iyak niyang sabi.

“Paano na ako ngayon? Kailangan kong ipalaglag ang batang ito!”

“Huwag Marcel! Masama iyan. Maawa ka naman sa bata!”

Bumitiw si Marcel. Iniisip niyang isang dagok ng kapalaran ang nangyari sa kanyan. “Paano, anong gagawin ko?” Niyakap siya ni Lorna, naawa ito sa kalagayan niya.

“Marcel ito na lang ang ating gagawin.  Magtratrabaho ka at ako naman ang mag-aalaga sa bata.”

“Salamat Lorn, talagang maasahan kita. Ngayon ko lang nalaman na mapapapatunayan talaga ang tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan. Sa oras ng kagipitan anumang uri ng kabutihan, maliit man o malaki  ay hindi maaring masayang sa oras ng pangangailangan.”


“O, sa paaralan mo ba nakuha ang mga linyang iyan?” At humahalakhak si Marcel. Papaano’y nadiyan si Lorna.

Dumating ang panganganak ni Marcel. Pero buhay para sa isipan niya ang ginawang panggagahasa ni Rudy.  Isang malusog na batang babae ang iniluwal niya sa mundo. Nang Makita niya ang bata ay kinamumuhian nito ito hanggang nakalabas na siya sa hospital.

“Marcel, ikaw na muna ang magkarga sa bata at akin ang mga gamit mo.”

‘Ikaw nalang Lorn, akin na ‘yang mga gamit ko.”

“O sige, bahala ka.”

At sa bahay, naratnan ni Lorna hindi humahawak sa sanggol o magpalit ng lampin ito. Bumalik si Marcel sa trabaho at palaging lasing naman itong umuwi.

Binalewala niya ang lahat.

“Ano ba Marcel” Palagi ka nang lasing. Baka magkakasakit ka nyan.” Alalang sabi ni Lorna.

“Alam mo Lorn kung bakit ako nagkaganito.”

“Lumipas na iyon Marcel kaya tanggapin mo na.” Ani ni Lorna.

“Hindi buhay pa sa akin ang ginawa niya!”

“Magpahinga ka na Marcel.”

Lumaki na ang bata. Pitong taong gulang na ito ay hindi pa rin nawala na kamuhian niya si Nica. Sinasalubing si Marcel ni Nica na galing sa trabaho,

“Mami!” sigaw niya. Yumakayp ang kanyang anak pero binitwan niya ito. Natulala si Nica kung bakit hindi siya mahal ng kanyang mami. Umiyak ito at pumunta sa kusina kung saan nandun ang kanyang Tiya Lorna.

“Tiya, bakit manhid si mami?” iyak niya.


Baka puyat lang siya sa trabahoi eh galing pa naman siya sa club.”

Hindi, natandaan ko pa na noon pa man hindi niya ako talaga mahal.”

“Mahal ka niya Nica,” sabay pahid sa mga luha ng bata,

Kinausap ni Lorna si Marcel. Sinabi niya kung bakit niya ginawa ang mga bagyay na di kasiya-siya sa bata.

‘Hindi ko kayang mahalin si Nica.” Paikli niyang sabi.

‘Kahit na hindi mo tratuhin si Nica ng ganun. Malaki na si Nica Marcel at alam na niya ang mga pangyayari.  Ang lahat lahat.” Dugtong ni Lorna.

“Ano ba talaga ang pakialam ko sa kanya.”

“Sige, ito lang ang sasabihin ko iyo, balang araw ikaw naman ang hihingi ng pagmamahal.”

“Ano? Ako ang hihingi sa kanya? Hahahahaha” Hindi yan mangyayari magpakailanman.” Diin ni Marcel.

“Tandaan mo lang” at umalis na si Lorna.

Nag-alalal si Marcel sa tinuran ni Lorna. Paano kung magkatotoo ang sinabi nito.

Lumipas na ang ilang taon at ganap ng dalaga si Nica. Nagiging iba na ang ugali niya. Pero hindi naman siya pinansin nito. Hindi siya kinausap.,

Minsan nanonood sina Lorna at Nica ng kanilang paboritong prorama. Nagkatuwaan. Sa totoo nga para silang tunay na mag-ina. Nakatingin lamang si Marcel na parang naiinggit sa dalawa. Hindi niya mapigilan ang kanyang damdamin at lumapit ito sa kanila.

“Can I join?” pakiusap nia.

“Condition ka na ngayon ha?” tukso ni Lorna.

Sa totoo nga hindi naman ganun si Marcel na makisalo sa kanila. Parang milagro nga ang nangyari.

“Excuse me Tita matutulog na ako.

“Hindi pa tapos ang programa” aniya.

“Eh kasi puyat na po ako.” Humalik si Nica kay Lorna. Akala ni Marcel na hahalikan din siya. Ngunit nagkamali siya,

‘Anong nagyari kay Nica?” tanong ni Marcel.

“Wala naman, ganun lang talaga iyon. Hayaan mo muna. Matulog na tayo.”

Umaga ng Sabado, sabay gumising sina Lorna at Marcel. Lumabas si Lorna upang bumili ng tinapay sa kanto. Gising na rin si Nica na naratnan ni Marcel sa kusina.

“Good morning Nica!”

“Good morning,” na nakasimangot ang mukha.

“Kakain ka na?”

Hindi siya nakinig at tumuloy sa sa sala para hanapin ang kanyang Tita Lorna.

“Wala ang Tita mo, lumabas ng bahay para bumili ng tinapay.”

“Umuulan ba ngayon? “pilosopo niyang sabi,

“Alam ko ang sinabi mo Nica!”

“Buti alam mo” sarkastiko niyang sinabi.

“Nica, sandal lang..”

“Ano ba bitiwan mo ako! Ayaw kong makipag-usap sa katulad mo!”

Sinampal ni Marcel si Nica. Gumanti naman ito.

“Wala kang karapatan na saktan ako!” Si Nica.

“May karapatan ako, ako ang ina mo!”

“Ina? Ina? Wala akong ina. Si Tita Lorna ang ina ko!” sigaw niya.

“Nica, sumasagot ka na ngayon ha!”

“Ikaw naman ang nagturo sa akin. Kung hihigngi ka naman ng tawad o mahalin ka..nagkamali ka. Ayaw kong hatiin ang pagmamahal ko lay Tita Lorna.

“Nica patawarin mo na ako. Alam kong nagkamali ka. Mahal kita.”  Iyak niya,

Napaluhod si Marcel sa paanan ni Nica. Pero hindi ito pinansin ni Nica.

“Umalis ka!”

“Nica!”

Dumating si Lorna na nakita niya si Marcel na nakaupo sa sahig at umiya ito. Nilapitan siya ni Lorna sabay ang pagyakap s akanya,

“Lorn tulungan mo ako” pakiusap niya.

“Hindi ko kaya. Desisyon iyon  ni Nica Di ba sabi ko sa iyo noon?”

Tumayo si Marcel at umupo sa sofa. Napaluha pa rin to sa nangyari sa kanya.

Nang pumasok si Lorna sa kuwarto nakita niya si Marcel na bihis na bihis,.

“Nagpaganda ka.. saan ba ang lakad mo? Tanong ni Lorna.

“May pupuntahan lamang ako.” Sagot nito.

Humalik si Marcel at nagpaalam ito kay Lorna.

Alas 8 na ng gabi ay wala pa rin ito sa bahay. Nag-alala si Lorna baka may masamang nagyari sa kanuan.

“Tita, matulog na po kayo. ”


“Hindi mo ba hihintayi ang ina mo?”

Nakasimangot si Nica. Hindi makap[agsalita. Maya-maya’y nag-ring ang telepono.

“Hello!”

“Hello, ito po ba ang bahay ni Miss Marcel Castillo?” Boses mula sa kabilang linya.

“Opo,” sagot ni Nica.

“Anak ka ba niya? “Matagal na hindi nakasagot si Nica.

“Opo, ano po ba ang kailangan nila?”

“Nasa hospital ang ina mo, naaksidente.”

‘Oo, pupunta na kami diyan.”

Nagulat si Lorna sa balita. Madali nilang pinuntahan si Marcel sa hospital. Pagdating nila sa silid kung saan si Marcel ay nakahiga, nagkamalay na ito.

‘Kumusta ka na Marcel?”

“Heto, mabuti na ang kalagayan ko. Nasaan si Nica. Gusto ko siyang makita?”

Tinawag ni Lorna si Nica. Nahihiya pa itong lumapit.

“Ina, matagal na kitang pinatawad noon pa, ngunit nag-atubili po kayong sabihin ang mga salitang iyon dahil sa galit at kasikam ng pag-ibig.”

“Salamat anak kahit papaano ay napatawad mo ako.” Sabay jawak niya sa mukha ni Nica.

“Ano naman kayo, mananalo kayo niyan sa best actress sa Oscar Awards ha?” nagtawanan ang tatlo.

Nang nagkabalikan na ang mag-ina, maligayang-maligaya si Lorna. Papaano’y may liwanang na sa madilim na kahapon. Napatunayan na niya na isa siyang tunay na kahiramang suklay. Hindi natin masisisi si Nica sa kanyang mga reaksiyon. Batid niyang may natutunan siya na dapat igalang natin ang ating mga magulang dahil ito ang unang utos ng Diyos na may pangako.

Maganda na ang ugali ni Marcel at ipinagako niya sa sarili na “mas mainam na kalimutan ang nakaraan. Matutuong mamuhay ng matiwasang paa sa kinabukasan.”





No comments:

Post a Comment