Thursday, August 4, 2011

Pulang Kampana

 

klang! klang! klang!
 

handa na ang lahat, sabi nila;
 

na paparito na ang dalawa
 

bakit kaya kay bilis tumugtog ng kampana
 

pag-iisang dibdib nasaksihan sa dambana.

klang! klang! klang!
 

maraming tao sa simbahan
 

nakangiti, tila maligaya sa mgakasintahan
 

walang pag-iimbot ang iniisip
 

botbot mang tao'y nakasali sa ihip.

klang! klang! klang!
 

narito na sila!  bagong kasal naging isa
 

huwag tigilan, kaligayaha'y noong una
 

pag-ibig nasaksihan, natikman, naisakatuparan
 

sa maraming panahon nasubukan
 

at sa wakas,
 

tapos na s apulang dambana (ng pagmamahal).

-ruth udtohan


 

No comments:

Post a Comment